Monday, June 8, 2009

Tubig..........

Paggising ko ngayong umaga ang binungad kaagad sakin ng misis ko; Tay walang tubig! Ah? Bakit? Bumangon na ako nagbabaka-sakaling meron na pero wala nga. Kalbaryo na naman samin eto.

Kasi nakatira kami sa 2nd floor, sa ground floor dun naman ako mag-iigib ng tubig dadaan ako sa paikot na hagdanan pababa at paakyat para lamang may magamit kami.

Di bale ng walang kuryente basta may tubig di ba? Dito kasi sa bansang eto di uso ang mga anunsyo bigla na lang mawawalan ng kuryente o tubig.

Diyan naman satin kapag di ka nag-anunsyo na mawawalang ng tubig o kuryente "YARI KA" sabi nga ni Michael V. Uulanin ka ng mura at kung anu-ano pang masasakit na salita. Dito ang gagawin mo na lang ay maghintay kung kelan magkakaroon ng tubig at magtiis na lang sumalok at dumaan sa papaikot na hagdanan hanggang sa mapuno ang mga timba...

Hay kakahilo... Ang ganda ng buwenamo kung kwento no? Oh sige sa susunod uli ah mag-iigib muna uli ako...