Monday, June 8, 2009

Tubig..........

Paggising ko ngayong umaga ang binungad kaagad sakin ng misis ko; Tay walang tubig! Ah? Bakit? Bumangon na ako nagbabaka-sakaling meron na pero wala nga. Kalbaryo na naman samin eto.

Kasi nakatira kami sa 2nd floor, sa ground floor dun naman ako mag-iigib ng tubig dadaan ako sa paikot na hagdanan pababa at paakyat para lamang may magamit kami.

Di bale ng walang kuryente basta may tubig di ba? Dito kasi sa bansang eto di uso ang mga anunsyo bigla na lang mawawalan ng kuryente o tubig.

Diyan naman satin kapag di ka nag-anunsyo na mawawalang ng tubig o kuryente "YARI KA" sabi nga ni Michael V. Uulanin ka ng mura at kung anu-ano pang masasakit na salita. Dito ang gagawin mo na lang ay maghintay kung kelan magkakaroon ng tubig at magtiis na lang sumalok at dumaan sa papaikot na hagdanan hanggang sa mapuno ang mga timba...

Hay kakahilo... Ang ganda ng buwenamo kung kwento no? Oh sige sa susunod uli ah mag-iigib muna uli ako...

7 comments:

  1. tama nga.. ok nga lang naman yung walang kuryente kesa naman sa wlang tubig.

    pero hindi eh. hirap rin wlang kuryente. haha .
    :D

    ReplyDelete
  2. naalala ko tuloy dati nagiigib din gabi ng tubig sa amin dahil wala kaming sariling jetmatic,(tama ba yun?hehe)

    pila balde din kami nun

    ReplyDelete
  3. hay hirap talaga yun...magastos pa naman ako sa tubig pag naliligo..hehehe...hirap naman nun igib ka tapos paikothagdan...super exercise un...hehhe

    ReplyDelete
  4. korek , I agree with you.. Mawala na iba , basta wag lang tubig. Hirap kaya pag wala yun.. Paano ka pag natatae ka na, pag na wiwi.. Hay hirap talaga wala tubig.. ayos to ah!!!

    ReplyDelete
  5. sige mag igib ka muna para maayos ang pag blog mo kase napaka hirap naman pala ng lagay mo dyan pag walang tubig..kakahibang yung iikot ka sa hagdan na may hawak na timba na laman ay tubig....

    ReplyDelete
  6. Naranasan ko ring mag-igib hanggang third floor. Hehe. Masaya 'yan! Hahaha!

    Salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete
  7. onga. mahirap ang walang tubig. TUBIG is universal solvent eh. hahaha. konek?! aahhaa. igib ka muna bago blog! :D hehehe!

    ReplyDelete